Cebu vs MayniLA sa Sinulog Cup Finals
February 1, 2004 | 12:00am
CEBU City -- Ang M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu Jewelers at ang Mail & More-MayniLA ang maglalaban para sa titulo ng 2004 Panasonic (NBC) Sinulog Cup matapos ang kanilang magkahiwalay na panalo sa pagtatapos ng eliminations sa New Cebu Coliseum kamakalawa.
Dinispatsa ng Mail & More ang Spring Cooking Oil-San Pablo 7-Lakers sa isang over-time game, 99-95.
Gumamit ang 7-Lakers ng 13-0 run sa final period ng regulation para sa 79-80 pangunguna papasok sa huling apat na minuto ng labanan.
Ngunit sumandal ang Mail & More kina Ernani Epondulan at Axel Doruelo na umiskor ng triple sa huling 19 segundo ng laba-nan na nagtabla ng iskor sa 83.
Kasunod nito, nagmintis ang 7-Lakers ng anim na sunod na free-throws sa huling siyam na segundo ng laro.
Mula sa 95-95, nagmintis si Aldrich Reyes ng dalawang free-throws para sa Spring limang segundo na lamang ang natitira sa laro at nakuha ni Christopher Corbin ang rebound at nakakuha ng foul mula kay Melvin Taguines para sa split charity, tatlong segundo na lamang na naglagay sa Mail & More sa 96-95.
Tumanggap naman si Marphyl Limbo ng inbound pass para sa isang tres na nagbigay sa MayniLA ng panalo.
Sa ikalawang laro, nangailangan ang Sulpicio Lines-Adamson na manalo ng 11-puntos para makapasok sa finals ngunit hindi ito pinagbigyan ng Cebuanos nang kanilang durugin ang Falcons para sa 98-70 panalo na kanilang ikaapat na sunod para ma-sweep ang eli-minations.
Umabante ng 29-puntos ang Cebu, 79-50 papasok sa final canto at nabigyan ng pagkakataon ang mga reserves ni coach Raul Alcoseba na makapaglaro.
Tinanghal naman si Romar Menor ng Spring bilang Slam Dunk King nang kanyang talunin ang teammate na si Elbert Alberto, Roel Capati ng Adamson, Marlon Aredas ng Fortune at Mail & More' players Mark Yee at Mark Mendez.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest