^

PSN Palaro

Hatfield ipapatawag ng NBI para magpaliwanag

-
Nakatakdang ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Rudy Hatfield ng Coca-Cola upang bigyang linawag ang kanyang kuwestiyunableng Filipino citizenship.

Isang subpoena ang ipadadala kay Hatfield sa Lunes para sumipot ito sa NBI International Police (Interpol) Division na inatasang mag-imbestiga ng mga player ng PBA na nagsasabing sila ay mga Pinoy ngunit hindi nila mapatunayan ito.

Ayon kay lawyer Ricardo Diaz, chief ng NBI-Interpol, kailangan nilang sundin ang subpoena matapos nilang paalalahanan ang mga PBA players na seryosohin ang imbestigasyong isinasagawa ng NBI.

Sinabi ni Diaz na ipinatawag na ng NBI si Asi Taulava ng Talk N Text, Davonn Harp ng Red Bull at Jon Ordonio na nag-expire na ang kontrata sa PBA para sagutin ang ilang katanungan sa kanilang citizenship.

Sa tatlo, si Ordonio lamang ang sumipot sa NBI.

ASI TAULAVA

AYON

DAVONN HARP

INTERNATIONAL POLICE

JON ORDONIO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RED BULL

RICARDO DIAZ

RUDY HATFIELD

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with