^

PSN Palaro

6 na boxers target ng ABAP sa Olympics

-
Kung magkakataon, anim na boksingero ang ipadadala ng bansa sa Olympic Games na gaganapin sa Athens, Greece sa taong ito ayon kay Amateur Boxing Federation secretary-general Roger Fortaleza kahapon.

Tatlo nang boksingero ang nakasiguro ng slot sa Olympics matapos mag-qualify sa nakaraang Asian Amateur Boxing championship, at may dalawa pang qualifying tournament na nakatakda sa China sa Marso 18-26 at sa Pakistan sa Abril 22-28.

Sinabi ni Fortaleza na panauhin sa lingguhang SCOOP sa Kamayan sa West Avenue na umaasa ang boxing association na tatlo pang boxers ang mag-qualify.

Ang mga boxers na nakakuha ng ticket sa Olympics ay sina welter-weight Romeo Brin, flyweight Violito Payla at ang middleweight na si Christopher Camat.

"If plans do not mis-carry, we hope to win at least two or even three more slot in the Olym-pics," wika ni Fortaleza na dumating sa sesyon kasama si RP coach George Caliwan at Camat.

Idinagdag pa ni Fortaleza na ang komposisyon ng Pambansang koponan na ipadadala sa China at Pakistan pagkatapos ng Go-for-Goal series ng ABAP na naka-schedule sa susunod na buwan.

Sinabi pa ni Fortaleza na maaaring isama sa RP team ang anim na fighters na nabigong mag-qualify sa Puerto Princesa qualifying na kinabibilangan ni lightflyweight Harry Tanamor.

AMATEUR BOXING FEDERATION

ASIAN AMATEUR BOXING

CHRISTOPHER CAMAT

FORTALEZA

GEORGE CALIWAN

HARRY TANAMOR

OLYMPIC GAMES

PUERTO PRINCESA

ROGER FORTALEZA

ROMEO BRIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with