^

PSN Palaro

PBL Platinum Cup Finals: Welcoat gustong dumalawa

-
Magsisilbing inspirasyon ng defending champion Welcoat Paints ang kanilang eksplosibong tagumpay sa Game-One kamakalawa para sa kanilang target na ikalawang sunod na panalo sa muling pakiki-pagharap sa Fash Liquid Laundry Detergent sa Game-Two ng kanilang PBL Platinum Cup finals sa San Juan Gym nga-yon.

Nakopo ng Paint Master ang 1-0 bentahe sa best-of-five championship series sa pamamagitan ng 78-60 panalo sa opening game ng series kamakalawa sa Makati Coliseum.

Sa larong ito, dinomina ng Paint Masters ang Liquid Powers ngunit inaasahang hindi na nila magagawa ito ngayon dahil siguradong pinaghandaan sila ng husto ng tropa ni Fash coach Junel Baculi.

"I told the boys not to dwell on the past and just concentrate in today’s game. We have to move on and put things in proper order. But to get back at Welcoat we have to make necessary adjustments. It could be a major one."

Kailangang maisagawa ng Welcoat ang kanilang game-plan sa pang alas-3:30 ng hapong laban para makaiwas sa 0-2 de-ficit at ma-hirapan nang makabalik pa sa serye.

Inaasahang muling babandera sina pro-bound Paul Artadi, James Yap at Ervin Sotto kasama si Jojo Tangkay para makuha ang 2-0 ben-tahe sa serye.

Nalimitahan sa siyam na puntos ang top PBA draft pick na si Rich Alvarez nina Mark Pingris at Sotto at inaasahang makakabawi ito ngayon para makaahon ang Fash sa kanilang nakaraang pagkatalo.

Bukod kay Alvarez, naririyan din sina Peter June Simon at Niño Gelig na aasahan ni Baculi.

ERVIN SOTTO

FASH LIQUID LAUNDRY DETERGENT

JAMES YAP

JOJO TANGKAY

JUNEL BACULI

LIQUID POWERS

MAKATI COLISEUM

MARK PINGRIS

PAINT MASTER

PAINT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with