^

PSN Palaro

Australia unang puntirya ng Philippine Blu Boys

-
CHRISTCHURCH, New Zealand -- Bagamat napagod matapos ang 18-oras na biyahe mula sa Manila, hangad ng Philippines na makagawa ng magandang simula sa kanilang kampanya sa XI Men’s World Softball Championship sa kanilang pakikipagharap ngayon (Biyernes) sa Australia sa Smoke-free Ballpark dito.

Kumpiyansa ang Blu Boys na mananalo sila sa Australian squad na nasa pangangasiwa ng Canadian -born coach.

Nakatakda ang kanilang laban sa alas-11 ng umaga ( alas-7:00 ng umaga sa Manila) at umaasa silang naka-rekober na sila sa jet lag at kakulangan sa tulog dahil Martes pa sila umalis ng Manila.

Ang Blu Boys ay nag-stop over pa sa Hongkong at sa Auckland, Wellington bago lumapag sa Christchurch dahil nagkaroon sila ng problema sa booking dahil marami nang pasahero ngayon.

Ayon kay RP team coach Reynaldo ‘Baby’ Manzanares, kailangan ng determinasyon at konsentrasyon para manalo dahil bigating teams ang kasama nila sa Pool A ng 15-nation tournament na ito.

Ang top four teams sa bawat pool ay uusad sa crossover quarterfinals.

Pangungunahan ni Mark Rae Ramirez, ang 21-gulang na most valuable player sa Asian tournament; veteran Roger Rojas at Sonny Boy Acuna ang RP rotation habang si assistant coach Eufrocino dela Cruz bilang reserve ng koponan na binubuo lamang ng 14-players dahil naiwan ang tatlo bunga ng problema sa booking.

vuukle comment

ANG BLU BOYS

AYON

BAGAMAT

BLU BOYS

MARK RAE RAMIREZ

NEW ZEALAND

POOL A

ROGER ROJAS

SONNY BOY ACUNA

WORLD SOFTBALL CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with