Red Bull Barako babawi ngayon
January 28, 2004 | 12:00am
Dalawang dominanteng performances sa eliminations na pawang walang nangyari sa playoffs noong nakaraang taon ay sapat na upang mabigyan ng motibasyon ang Red Bull Barako na itodo na ang lahat ng kanilang magagawa para hindi na makawala ang kampeonato ngayon.
Itoy bagamat wala na si Willie Miller, ang isa sa rason kung bakit malaki ang inaasahan sa Barakos.
Ang kanilang matitipunong frontliners na sina Davonn Harp, Mick Pennisi, Enrico Villanueva at Homer Se ay malalakas, may isip at simple lang, habang ang mga wingman na sina Junthy Valenzuela at Lordy Tugade ay higit na pinalakas ang kanilang pagkamada habang ang Fil-Am draftee naman na si Denver Lopez ang pupuno sa nawalang si Miller.
At bagamat inaasahan ni coach Yeng Guiao na intact ang kanyang team maliban kay Miller, gumawa naman ng paraan ang team management sa pagpapadala sa kanilang koponan sa Qatar para sa ilang serye ng exhibition games kontra sa Qatar National team at team building session.
Umalis kahapon ang Barakos patungong Qatar at makikipaglaban sa Qataris, second runner-up sa ABC championship sa China ngayon (Enero 28) at Biyernes (Enero 30).
At mga pag-iikot ng players at trade na naganap sa ibang team, napag-isip-isip ng Barakos na hindi dapat ikumpara ang mga kakayahan ng koponan ngayon kasya noong isang taon ngunit naniniwala silang magagawa pa rin nilang manaig.
At bagamat hindi sila nakatuhog ng titulo noong nakaraang taon, una pa rin ang Barakos sa mga koponan kung win-loss percentage ang pagbabasehan sa buong season. Ang Coca-Cola Tigers at Talk N Text Phone Pals na naghari sa Reinforced at All-Filipino Cup, ayon sa pagkakasunod, ay nasa ikalawa at ikatlo.
Isang lehitimong NCAA Division 1 player, ang 511 na si Lopez mula sa Fullerton University ay nagpakita ng impresibong laro sa pratice ng kanilang team.
At higit na masisiyahan sana kung aakto na ikokonsidera ni Commissioner Noli Eala ang apela ni Jimwell Torion sa kanyang suspensiyon para sa pagpasok ng PBA Fiesta Cup.
Ngunit hanggat malakas at walang injury ang mga players malaki ang paniniwala ni Guiao na pahihirapan nila ang ibang koponan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am