Ang isang haligi ng St. Francis twin towers na si Ranidel De Ocampo ay nagtala naman ng 16-puntos at tumapos ng krusyal na 11-3 second quarter run sa pamamagitan ng kanyang three-point play.
Ito ang nagbigay ng pagkakataon sa Doves na itala ang 30-18 kalamangan tungo sa kanilang ikaapat na sunod na NCRAA crown at ikaanim sa overall matapos itala ang 37-25 advantage.
Nanguna si Al Vergara sa kanyang 19-puntos para iselyo ang best-of-three final series sa 2-0.
Sa junior finals, nag-ambag naman si Jerico Puno ng 29-puntos kabilang ang dalawang malalaking basket sa huling 15.3 segundo ng labanan na nagdala sa defending champion San Lorenzo sa 87-80 overtime win kontra sa San Sebastian College of Cavite na nagtabla ng kanilang finals series sa 1-all.
Ipinuwersa ng La Salle-Manila ang decisive Game-Three sa womens side sa pamamagitan ng 62-59 panalo sa Lyceum.
Tinanghal na MVP sa ikatlong sunod na pagkakataon si De Ocampo at kasama nito sa Mythical Five sina Al Vergara, Jonathan Tarronas at Al Federiso ng PSBA at Lawrence Bonus ng St. Francis.