Excited na ang mga rookies
January 16, 2004 | 12:00am
This is D Day para sa mga basketball players na naghahangad makilala, yumaman at magkaroon ng lugar sa PBA.
Mukhang very exciting ang drafting na ito dahil mas malalim ang mga pangalan na nasa first round. Ang mga sigurado na makukuha sa drafting at sa palagay ko eh mapapapirma na rin ay sina James Yap, Rich Alvarez, Marc Pingris, Paul Artadi, Gary David at Wesley Gonzales.
May iba ring Fil-Ams at Fil-Australians na mukhang makukuha.
Sa kabuuan, naniniwala kaming this is going to be an explosive start for PBA 2004.
Pakiusap lang--nakita na yang mga rookies na maglaro sa PBL. Naglaro din sila sa Rookie Camp noong last Sunday. Kumbaga, alam na nila more or less ang kalidad nang mga rookies. Sana naman, huwag na nilang kunin yung mga rookies for the sake of drafting them and not having any plans of signing them up.
Mas kawawa ang mga players na nakukuha sa drafting pero yun pala eh gagawin lang try-out player at hindi naman pala papipirmahin.
Ilang taon nang nangyayari ang ganyang sitwasyon.
At ang ending---kawawa ang mga players na kitang-kita na na-draft sa TV pero after only a few days, hayun at balik sa dating team dahil wala naman palang lugar yung kumuha sa kanya.
Subukan mong mag-ikot sa practice ng mga PBA teams ngayon.
Halos lahat ay nagpapa-tryout ang mga coaches.
Kaya kung sinu-sinong mukha ang makikita nyo at sa iba, maaawa kayo.
Mga dating sikat na sikat na players na nag-akalang walang katapusan ang kanilang kasikatan.
Tapos, yung mga coaches, hindi rin naman maka-decide dahil hinihintay pa nga ang mangyayari sa drafting.
Tsk...tsk...tsk...
Hindi porke magaling, makukuha na.
Yan ang nangyayari ngayon kay John Arigo na walang takers.
Nagkaroon sila ng alitan ni coach Tim Cone at kita mo, walang kumuha sa kanya dahil na rin sa may attitude problem daw.
Mukhang very exciting ang drafting na ito dahil mas malalim ang mga pangalan na nasa first round. Ang mga sigurado na makukuha sa drafting at sa palagay ko eh mapapapirma na rin ay sina James Yap, Rich Alvarez, Marc Pingris, Paul Artadi, Gary David at Wesley Gonzales.
May iba ring Fil-Ams at Fil-Australians na mukhang makukuha.
Sa kabuuan, naniniwala kaming this is going to be an explosive start for PBA 2004.
Mas kawawa ang mga players na nakukuha sa drafting pero yun pala eh gagawin lang try-out player at hindi naman pala papipirmahin.
Ilang taon nang nangyayari ang ganyang sitwasyon.
At ang ending---kawawa ang mga players na kitang-kita na na-draft sa TV pero after only a few days, hayun at balik sa dating team dahil wala naman palang lugar yung kumuha sa kanya.
Halos lahat ay nagpapa-tryout ang mga coaches.
Kaya kung sinu-sinong mukha ang makikita nyo at sa iba, maaawa kayo.
Mga dating sikat na sikat na players na nag-akalang walang katapusan ang kanilang kasikatan.
Tapos, yung mga coaches, hindi rin naman maka-decide dahil hinihintay pa nga ang mangyayari sa drafting.
Tsk...tsk...tsk...
Yan ang nangyayari ngayon kay John Arigo na walang takers.
Nagkaroon sila ng alitan ni coach Tim Cone at kita mo, walang kumuha sa kanya dahil na rin sa may attitude problem daw.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended