WELCOME SI SEIGLE SA GINEBRA
January 10, 2004 | 12:00am
Kahit paanoy swak na rin si Andy Seigle sa Barangay Ginebra at sa kanyang napipintong pagsali sa koponan ng Gin Kings ay tiyak na makakatulong siya nang malaki sa mga frontliners na sina Eric Menk at Rommel Adducul.
Lehitimong sentro si Seigle at sa shaded area talaga nago-operate. Hindi siya tulad ni Jun Limpot na bagamat puwedeng maglaro sa shaded area ay mas tumitira sa labas. Iyon naman ngayon ang puwedeng ibigay ni Limpot sa kanyang bagong koponang Purefoods Tender Juicy Hotdogs.
So ngayong nasa Ginebra na si Seigle, tiyak na siya ang magiging starting center ng Gin Kings at baka mag-slide down sa shooting forward si Menk at power forward si Adducul.
Ibig din nitong sabihin, si Menk na ang magiging main man ng Gin Kings.
Dati kasiy tila hindi maintindihan kung sino ang magiging unang option ni coach Allan Caidic - si Menk ba o si Limpot? At nang kunin nila si Adducul, na siyang marquee player sa defunct Metropolitan Basketball Association ay lalong nagulo ang sitwasyon.
Sanay si Limpot na maging "main man." Hindi nga bat ito ang monicker niya kahit noong nasa Sta. Lucia Realty pa siya. Si Menk ay main man din ng Tanduay Rhum bago ito naibenta sa FedEx. At si Adducul ay main man din para sa Manila Metrostars, Batangas Blades at Pangasinan Waves sa MBA bago pumanhik sa PBA.
Abay mahirap kung tatlu-tatlo ang main men sa isang team. Hindi puwede iyon!
E idadagdag pa dito ang Fil-Am na si Mark Caguioa na kailangan ding pumuntos dahil sa iyon ang kanyang tungkulin sa team.
Mabuti na lang at hindi naman nanghihingi ng playing time si Adducul. Okay na sa kanya yung papulot-pulot. Alam niya ang kinalalagyan niya sa team dahil baguhan nga siya sa Ginebra.
Ngayon siguroy maisasaayos na ni Caidic ang lahat.
Okay naman din kay Seigle na hindi siya ang maging focal point ng opensa ng Ginebra. Kumbagay makukuntento na lang siya sa pagkuha ng rebounds at pagsasagawa ng follow-up shots sakaling magmintis sina Menk, Caguioa at ibang kakampi nila.
Kumbagay magsisilbing workhorse na lang si Seigle sa shaded area.
Ang problema lang sa pagkakakuha ng Ginebra kay Seigle ay ang question hinggil sa kalusugan nito. Sa mga huling taon niya sa Purefoods ay palagi na lang siyang nasa injured list dahil sa patuloy na pananakit ng kanyang likod.
Nito ngang huling season ay halos hindi na siya napakinabangan ng Hotdogs at nagsilbi na lang siyang cheerleader sa bench.
Sana ay maayos na ang pakiramdam ni Seigle at hindi na siya mabagabag ng kahit na anong injuries para naman sa ganoon ay makabawi na ang Barangay Ginebra.
Matagal nang naghihintay ng kampeonato ang kanilang mga fans!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended