BJ MANALO: SAAN BA TALAGA?
January 4, 2004 | 12:00am
Lingid sa inyong kaalaman, tahimik na pinag-aagawan ng tituladong Ateneo de Manila at De La Salle University and kontrobersyal na point guard na si BJ Manalo. Nagtapos na si BJ sa DLSU ng Marketing Management noong Setyembre, matapos ang apat na taong paninilbihan din sa Green Archers. May naibulsa na rin siyang tatlong kampeonato sa UAAP.
"Pareho nila akong kinukuha," pag-amin ni Manalo sa Pilipino Star Ngayon.
"Pero mahaba pa naman ang oras (hanggang Mayo, bago mag-enrollment). Kahit puwede na ako pumasok sa PBA Draft, gusto ko talagang makapaglaro sa UAAP. Hindi na mauulit ang pagkakataong iyan."
Napakaganda ng itinakbo ng karera ni Manalo. Nagsimula siya sa RP Youth team noong 1996. Sumikat sa Ateneo Blue Eaglets at nagkampeon. Pagkatapos ay ginulat ang lahat nang lumipat sa kampo ng mainit na karibal na De La Salle Green Archers bagamat masaya naman siya sa Ateneo.
Ang nakaraang taon na sana ang nakatadhanang taon ng tuluyang pagsikat ni BJ. Enero pa lang, nakuha niya ang pangarap niyang makilala at makausap ang idolo niyang si Tracy McGrady ng Orlando Magic. Sikat siya sa RP team na maglalaro sa Southeast Asian Games. Pero may kamalasang naghihintay.
Noong ika-19 ng Pebrero, napunit ang tuhod ni BJ. Dalawang bahagi nito ang nangailangan ng operasyon.
"Sabi ng mga doktor, pagod talaga ang katawan ko," pag-amin niya. "Tatlong team ang pinagprapraktisan ko: RP team, De La Salle at yung team ko sa PBL (ICTSI). Mga ilang minutong sumama ang loob ko, pero inisip kong may ibang plano para sa akin si God."
Nawala ang UAAP, nawala pa ang siguradong ginto sa SEA Games. Matinding pag-ensayo ang naging kapalit. Halos anim na oras ang inilagi ni BJ sa Moro Lorenzo araw-araw para sa rehab at training. Ngayon, sinasanay siya ni Kirk Collier, ang naging trainer ng Red Bull Barako. Lumaki na ang katawan, tumibay, tumapang pa lalo.
"Ayoko na sanang isipin ng mga tao na injured pa ako," saklolo ni BJ. "Handa na akong maglaro. Pinag-uusapan lang namin kung saan pinakamaganda."
Isa pang pinaghahandaan ni Manalo ay kung ano ang maging reaksyon naman ng mga La Sallista kung sakaling bumalik siya sa Ateneo. Siguradong ang isyu pa lamang ng ligawang ito ay magbu-bunga ng gulo. Matatandaan napakatinding panlalait ang ibinato kay BJ ng mga Atenista. Ano naman kaya ang sasalubong sa kanya pag bumuwelta na naman siya?
"Hindi ko sana gustong maulit sa mga magulang ko yung nangyaring ganoon," salaysay ni BJ. "Pero tinitignan pa namin kung saan ako maglalaro. Sa La Salle pa rin ang puso ko, hindi ko maiaalis iyon. Pero pinag-aaralan pa namin kung saan mas mainam."
Anuman ang mangyari, nasanay na si BJ Manalo sa pagtahak sa daang di pa nadadaanan ninuman. At sa huli, siya rin lang naman ang makapagsasabi kung sulit ang paghihirap. Pero dito niya nakikita kung sino talaga ang mga tunay niyang kaibigan. Sila yung hindi mawawala, asul man o berde ang saplot niya sa katawan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended