^

PSN Palaro

Pangarap sa NBA maaaring matupad

-
May magandang kinabukasan ang naghihintay sa mga players ng Philippine Basketball League na hindi sasali sa 2004 PBA Draft.

At ito ang posibilidad na maging kauna-unahang Pinoy cager na makakalaro sa National Basketball Association, ang pinakamagandang liga sa mundo.

Ang posibilidad na ito ay maaring maging makatotohanan nang makipagkasundo ang PBL sa NBDL, ang Developmental League ng NBA na magpapadala ng apat na Pinoy cagers sa Amerika.

"This is through the help of Solar Sports," ani PBL Commissioner Chino Trinidad. "And we are very proud that the NBDL has chosen us. That will put our players one step closer to making it to the NBA."

Ang mga players mula sa NBDL ang bibiyahe pabalik-balik sa NBA kapag nangailangan ang mga NBA ballclubs na kanilang kailangang players. Sa ilalim ng NBDL program sa pagbibigay daan sa globalization ng NBA ang mga players mula sa Pilipinas at maging sa ibang bahagi ng mundo ay bibigyan ng pagkakataon na mapabilang sa pinakasikat at best league sa mundo.

Ang PBL ay magtatatag ng pool of players kung saan pa-pangalanan ng mga coaches at team owners ang kanilang mga kandidato sa pagtatapos ng Platinum Cup. Mula sa pool na ito, apat ang mapipili na bibiyahe sa NBDL kung saan ipamimigay sa mga teams sa NBA.

"Coaches from the NBDL will be coming over in March or April to watch the PBL games. And then they will be making their own choices from the pool," paliwanag ni Trinidad.

"Eventually, those who will make it to the NBDL will be earning more than those who entered the PBA Draft. But more than that, they might just become the first Filipinos to play in the NBA and that would be a historic moment for us," pagtatapos ni Trinidad.

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

DEVELOPMENTAL LEAGUE

NATIONAL BASKETBALL ASSOCIATION

NBA

NBDL

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

PINOY

PLATINUM CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with