^

PSN Palaro

Tigasing netters pinigil ng mga walang ranggo

-
Pinigil ng mga walang ranggong tenista na sina Ace Matias at El Santo Santos ang mga tigasing netters sa kani-kanilang division kahapon sa pagpapatuloy ng Milo Junior Tennis Cup sa Ynares Sports Center claycourts sa Pasig.

Ginapi ni Matias si Noel Agra, 6-1, 6-1 upang umusad sa unisex 10-under bracket kasama sina Deo Talatuyod na bumokya naman kay Kevin Mamawal, 6-0, 6-0 at Kyle Cordero na umiskor ng 6-2, 6-2 panalo kontra kay Tim Polero.

Sa unisex boys’ 14-under class, umahon si Santos mula ilalim upang iposte ang come-from-behind na 4-6, 7-5, 6-3 panalo kontra kay Marvin Serito at makasama sa susu-nod na round sina Patrick Arevalo na nagpayukod naman sa kalabang si Juke Alban, 6-4, 6-3.

Ang iba pang nagtala ng panalo sa nasabing age group category ay sina Jopy Mama-wal na humatak naman ng 6-2, 6-3 panalo kontra sa pabo-ritong si Mark Balce sa year-ender Milo netfest na inorganisa ng CTW at suportado ng Wilson balls, Adidas at NBN-4 Sunday TV show Sports Kids na may Philta sanction.

Ang iba pang nagsipag-usad sa susunod na round ay si Nestor Celestino sa boys’ 18-under division na nakalusot kay Jandrick de Castro, 7-5, 6-3.

Naunang ginapi nina Celestino at de Castro sina Ernest Reyes, 6-0, 6-0 at Alex Coyco, 6-1, 6-0, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

ACE MATIAS

ALEX COYCO

DEO TALATUYOD

EL SANTO SANTOS

ERNEST REYES

JOPY MAMA

JUKE ALBAN

KEVIN MAMAWAL

KYLE CORDERO

MARK BALCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with