Ang 17-anyos na si Agojo ay kumopo ng tatlong malalaking tagum-pay sa kanyang US campaign sa taong ito tampok ang kanyang mabilis na panalo sa Optimist International sa PGA National course sa West Palm Beach, Florida.
Nakopo din ng OB Montessori-Greenhills senior ang unprecen-dented fourth straight championship sa Temecula International Junior Open at namayani rin sa San Francisco State junior tournament.
Makakatanggap din ng citation sina Dottie Ardina, AR Ramos at Miguel Tabuena dahil sa kanilang tagumpay sa kompetitibong events sa US.
Si Ramos, grade-schooler sa La Salle-Greenhills, ang pinakabata sa apat na awardees sa edad na pitong taong gulang na kumopo ng titulo sa 7-years-old and below division title sa US Kids world championship na ginanap sa Williamsburg, Virginia.
Natalo si Ardina, anak ng nagtuturong professional mula sa Sta. Rosa, sa kanyang kampanyang makopo ang ikalawang sunod na panalo sa Junior World sa San Diego ngunit nakabawi ito sa Desert Classic Championships sa Palm Springs, California.
Sa event ring ito nanalo ang walong taong gulang na si Tabuena, ang tinawag na Filipino Tiger Woods ni President Macapagal-Arroyo, isang buwan matapos iposte ang kanyang impresibong panalo sa US nang pangunahan nito ang Selma Valley Juniors.
Ang apat na jungolfers na ito ang nagbigay ng highlight sa isa na namang produktibong taon ng Junior Golf Foundation of the Philippines na pinangungunahan ni Gerry Handog.
Makakasama nila sa mahabang listahan ng honorees na pangu-ngunahan ng Co-Athletes of the Year na sina boxing champion Manny Pacquiao at bowling hero CJ Suarez sa gabi ng parangal na inaasahang dadaluhan ng First Couple.