Ngunit pinag-iisipan muna ng Turbo Chargers ang pagpili ng bagong coach bago nila pag-isipan ang mga alok na trades.
At ang pinaka-interesado umano ay ang San Miguel Beer na payag na i-trade ang two-time MVP na si Danny Ildefonso o Nic Belasco kapalit ni Chris Jackson at ang pagpili ng Shell.
Sa kabilang dako naman, inaalok naman umano ng Purefoods si Billy Mamaril habang ang Alaska ay handang ipalit si John Arigo.
Matatandaang ang Shell ang unang nakakuha kay Ildefonso noong 1998 Draft at itrinade sa San Miguel para sa Fil-Am cager na si Noy Castillo at first rounder pick. Tinulungan ni Ildefonso ang Beermen na masungkit ang pitong kampeonato dagdag sa kanyang MVP title noong 2000 at 2001. Mapapaso ang kontrata ni Ildefonso sa Disyembre 31 at pipirma ito ng maximum na hindi kukulangin sa P300,000 kada buwan.
Ngunit kapag pumayag sa trade, kailangang ipagpatuloy ng Shell ang kalabisan sa kasalukuyang maximum na ilalagay sa kontrata naman ni Jackson.
Sa kabilang dako naman si Mamaril ang ikaanim na overall pick noong 2003 ngunit hindi naman nabigyan ng sapat na oras para maipakita ang kanyang kahalagahan sa Purefoods na puno ng malalaking tao na sina Andy Seigle, Kerby Raymundo, Chris Cantonjos at Richard Yee.
Payag umano ang Shell na makuha si Mamaril ngunit kailangang bitiwan din nila sina Dale Singson at Chris Calaguio bilang kapalit.
Kapag binalewala ng Shell ang tatlong alok na ito maraming malalaking tao silang pagpipilian sa Draft ito ay sina Ranidel de Ocampo, Rich Alvarez, Ervin Sotto na pawang miyembro ng national squad na nagkampeon sa Vietnam Southeast Asian Games at Joaquim Thoss. (Ulat ni AC Zaldivar)