Pagpapalakas hangad ng 5 team
December 22, 2003 | 12:00am
Habang prenteng-prente na ang Welcoat na sigurado na sa semifinal round, hangad naman ng lima pang koponan na palakasin ang kanilang kontensiyon para sa tatlong natitirang semis slot sa tatlong umaatikabong sultada ngayon sa 2003 Philippine Basketball League Platinum Cup sa Pasig Sports Center.
Hangad ng Viva Mineral na manatiling buhay ang tsansa sa susunod na round sa kanilang pakikipagharap sa Montana Pawnshop sa ganap na alas-2 ng hapon.
Tangka naman ng Paint Masters ang ika anim na sunod na panalo para palawigin ang 8-1 leading record sa pakikipagharap sa rumaratsada ring Sunkist-UST sa ikalawang engkwentro, alas-4.
Sa tampok na laro, magsasagupa naman ang Fash Liquid Detergent at Blu Star Detergent sa dakong alas-6:00 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended