Pacquiao, Suarez Co-Athletes of The Year

Napiling Athletes of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sina world champions CJ Suarez and Manny Pacquiao matapos magbigay ng karangalan para sa bansa nitong taon.

Ibinoto ng mga miyembro ng PSA members sina Suarez, ang nanalo ng world cup ng bowling, at si International Boxing Federation superbantam (122-pound) king Pacquiao para paghatian ang pinakaprestihiyosong award para sa philippine sports.

Ang women’s trios nina Liza del Rosario, Liza Clutario at Cecilia Yap, na naging kauna-unahang Asians na nanalo ng gold medal sa World Tenpin Bowling Championships noong September sa Malaysia, ay tatanggap ng PSA President’s Award.

Ang softball team ng Bacolod, champion ng Junior League World Series sa US, ang napili para sa Antonio Siddayao Award, ipinangalan sa kinokon-siderang pinakamahusay na Filipino sportswriter .

Ang mga atletang ito kasama ang iba pang nagbigay ng karangalan para sa bansa nitong 2003 ay pararangalan sa January 9 sa PSA Annual Awards Night na gaganapin sa Manila Pavilion.

Ang Annual Awards Night ay sponsored ng Red Bull at Agfa Color na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Philippine Basketball Association, San Miguel Corp., Samsung, Manila Mayor Lito Atienza at sports patron Hermie Esguerra.

Hindi natalo si Pacquiao sa tatlong laban sa taong ito nang kanyang idepensa ang kanyang titulo laban kay Mexican Lucero sa Los Angeles matapos talunin si Serikzhan Yeshmanbetov ng Kazakhstan sa isang non-title fight.

Ngunit ang kanyang pinakamalaking panalo ay laban kay Mexican Antonio Barrera para sa kanyang 38-2-1 win-loss draw record.

Show comments