Titulo asam ng Coke
December 12, 2003 | 12:00am
Sisikapin ng Coca-Cola na maisubi ang titulo ng PBA Samsung Reinforced Conference para makatikim ng titulo na nabigo nilang makuha sa dalawang pagtatangka sa taong ito.
Sa ganap na alas-7:00 ng gabi sa PhilSports Arena, muling sasagupain ng Tigers ang kapatid na kumpanyang San Miguel Beer.
Hawak na nila ngayon ang 3-2 bentahe sa best-of-seven championship series matapos ang 86-84 panalo sa Game-Five noong Miyerkules sa Cuneta Astrodome.
Kumbagay may twice-to-beat advantage na ang Tigers ngunit mas maiging maisukbit na nila ang titulo ngayon at hindi na bigyan pa ng pagkakataon ang Beermen na makahirit ng deciding Game-Seven.
"It's a good situation to be in but [being one win away] is not an assurance in securing the championship," pahayag ni Tigers coach Chot Reyes.
Kaya naman inaasahan ni Reyes na ibibigay ni import Tee McClary ang higit sa kanyang 100 porsiyentong performance para di na umabot pa sa delikadong Game-Seven ang serye.
Bukod kay McClary, naririyan pa ang nangungunang Most Valuable Player candidate na si Rudy Hatfield na maaasahan ni Reyes kasama sina Jeffrey Cariaso, Rafi Reavis, Ato Morano, Poch Juinio at Johnny Abar-rientos.
Umaasa naman si coach Jong Uichico na mapapanatili ni import Kwan Johnson ang kanyang magandang performance ngunit sa pagkakataong ito ay ibayong suporta ang maibibigay ng mga locals na sina Danny Ildefonso, Dondon Hontiveros, Dorian Peña at iba pa para magkaroon ng tsansa ang Beermen sa titulo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended