Ang laban ay sa ganap na alas-4:30 ng hapon (alas-5:30 sa Manila).
Nauna rito, noong Linggo ng gabi, tinuruan ng Nationals mag-basketball ang Thailand nang kanila itong ilampaso, 85-49 bilang magandang panimula sa kanilang kampanyang mapanatili ang korona.
Umiskor ng kabuuang 18 puntos si Ranidel de Ocampo, na nagdiwang ng kanyang ika-22nd kaarawan, upang pangunahan ang pananalasa ng Pinoy sa simula pa lamang ng laro kung saan agad itinala ang 10 puntos na kalamangan 28-18 at hindi na nila ito binitawan para itala ang lopsided na panalo.
Lumobo pa ng hang-gang 28 puntos ang kalamangan ng Pinoy sa ikatlong quarter, 73-35 ba-go tuluyang iselyo ang laban na abante na ng 36 puntos.
Sa nasabing laro, ginamit na rin ni national head coach Aric del Rosario si Wesley Gonzales na galing sa allergy kung saan may tatlong araw din itong nanuluyan sa Philippine medical room sa may Rex Hotel sa pangangalaga ni Dr. Alex Pineda makaraan magkaroon ng drug allergy sa gamot na iniinom.
Ngunit ang lahat ng ito ay natakpan sa maningning na nilaro ng Pinay cagabelles kung saan nalusutan nila ang mabigat na hamon ng Thailand, 84-82.
Sunod na makakalaban ng Pinay ang SEAG defending champion Malaysia sa alas-2:30 ng hapon (alas-3:30 sa Manila). (Ulat ni DMVillena)