^

PSN Palaro

First Gentleman ipinadala ni GMA

-
Sa kabiguan at tagumpay kasama ng atletang Pinoy ang Pangulong Arroyo.

"I was sent here by the President (Arroyo) to make sure na maayos ang kalagayan ng ating mga atleta at personal na malaman niya ang kaganapan dito. So when I informed here that the Philippines won two golds even before the opening ceremony, talagang masaya ang ating Pangulo," pahayag ni First Gentleman Mike Arroyo, dumating dito kasama ang unang malaking batch ng delegasyon noong Martes.

Ipinarating ng Pangulo, sa pamamagitan ng First Gentleman ang pagbati sa mga atletang Pinoy at dalangin na magwagi sa kompetisyon sa pamamaraang makatao at walang pandaraya.

"Congratulations to all and love to all of them," pahayag ng Pangulo sa mensaheng binasa ni Mr. Arroyo sa breakfast forum ng mga Pinoy mediamen dito.

Kasama ni Mr. Arroyo ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) na binubuo nina chairman Eric Buhain at commissioners Mike Barredo at Leon Montemayor.

Sina Barredo at Montemayor ang head ng dalawang secretariat ng ahensiya na nag-aasikaso sa transportation at iba pang pangangailangan ng mga atleta na hiwa-hiwalay na naitira sa 28 hotels sa Hanoi at Ho Chi Minh.

"President Arroyo is proud of you. Just keep up the good work and go for the gold," sambit ng First Gentleman.

Personal namang pinasalamatan ni Buhain si Mr. Arroyo sa tulong pinansiyal na naibi-gay sa atletang Pinoy, sa pamamagitan ng fund raising project Gintong Medalya kung saan nakalikom ito ng may P20 milyon na siyang ginamit sa pagsasanay ng mga ito. (Ulat ni Dina Villena)

ARROYO

DINA VILLENA

ERIC BUHAIN

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GINTONG MEDALYA

HO CHI MINH

MR. ARROYO

PANGULO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with