^

PSN Palaro

RP chessers nakausad

-
HO CHI MINH -- Tinalo ni three-time national champion WIM Beverly Mendoza ang kababayang si Christine Rose Mariano, 2-0 sa all-Filipino quarterfinal na nagsiguro ng second runner-up na karangalan sa panimula ng chess competition ng 22nd Southeast Asian Games dito.

Umiskor din ng 2-0 tagumpay sina Grandmaster Joey Antonio at GM-candidate Mark Paragua sa magkahiwalay na laban at isaayos ang isa pang All-Filipino quarterfinals.

Ang magwawagi sa pagtan nina Antonio at Paragua na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito ay aabante sa semifinals na nakatakda ngayong alas-9 ng umaga.

"Yung away sa chess noon pa kasama sa drama ng laro. I look at it positively. Nakatulong ngayong gabi dahil nasa fighting mood ang mga players," patungkol ni coach Atty. Sammy Estimo sa gulong nagaganap sa loob ng team kung saan nahahati na sa dalawang grupo.

Dinispatsa ni Antonio si Nicholas Chan habang pinayuko ni Paragua si Lim Chuing Hu.

Si Mendoza na nakuha ang kanyang WIM title habang naglalaro sa board 2 ng 2000 World Chess Olympiad ay naka-bye sa opening round

Ang 29 anyos naman na si Mariano ay umabante sa quarterfinals nang malusutan nito ang sudden-death win kay Nur Zulkafli, 3-2.(Ulat ni DMVillena)

BEVERLY MENDOZA

CHRISTINE ROSE MARIANO

GRANDMASTER JOEY ANTONIO

LIM CHUING HU

MARK PARAGUA

NICHOLAS CHAN

NUR ZULKAFLI

PARAGUA

SAMMY ESTIMO

SI MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with