^

PSN Palaro

Magliquian,Camat naka-1

-
HO CHI MINH --Umiskor ng maningning na laban sina Juanito Magliquian at Fil-Am Christopher Camat, para sa magandang panimula ng kanilang kampanyang muling dominahin ang boxing event ng 22nd Southeast Asian Games sa Phan Dinh Phung Stadium dito.

Maagang pinaramdam ni Magliquian ang kanyang lakas at agad itinala ang RSC (referee-stopped-contest) na tagumpay laban kay Mohammed Ali Dzulfikri ng Brunei may 46.2 segundo na lang ang nalalabi sa unang round.

Pinatamaan ni Magliquian, gold medalist sa Pre-SEAG tournament, ang Brunei boxer ng sunod sunod na straight bago tinapos ito ng left uppercut upang tuluyang manghina ang kalaban.

Hindi rin nagpa-iwan ang middleweight Pinoy boxer na si Camat, nang sundan ang panalo ni Magliquian ng isa pang RSC na tagumpay laban naman sa Vietnamese na si Bui Thu Sau bago matapos ang ikalawang round.

Dahil sa dobleng tagumpay na ito ng mga boksingero, ang dalawa ay halos nakakasiguro na ng bronze medal.

Samantala, puntirya naman ng tatlong Pinoy ngayon na masundan ang matagumpay na panimula ng kanilang naunang kababayan.

At bagamat may konting pangamba, sisikapin nina flyweight Violito Payla at lightweight Francisco Joven na mapapasabak sa mahigpit nilang karibal na Thailand, na maitala ang maagang panalo, habang aakyat din sa ring si middleweight Florencio Ferrer

Kipkip ang pagnanais na makaganti, makakaharap ng 24 anyos na si Payla ang 2003 World Championship titlist na si Sonjit Jongjonor, na siya ring defending champion sa SEA Games habang makikipagpalitan ng suntok si Joven kay Manon Boonjunmong. Sa kabilang dako, makakaharap naman ni Ferrer si Cambodian Sam Sokunthea.

BRUNEI

BUI THU SAU

CAMBODIAN SAM SOKUNTHEA

FIL-AM CHRISTOPHER CAMAT

FLORENCIO FERRER

FRANCISCO JOVEN

JUANITO MAGLIQUIAN

MAGLIQUIAN

MANON BOONJUNMONG

MOHAMMED ALI DZULFIKRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with