^

PSN Palaro

Kiamco,Corteza sasargo na

-
HO CHI MINH -- Kumikinang na gintong medalya ang tutumbukin nina Warren Kiamco at Lee Van Corteza sa kanilang pagsalang sa 9-ball doubles ng billiards event ng 22nd Southeast Asian Games sa Nguyen Du Sports Center.

Sina Kiamco, gold medalist sa 15 ball singles noong 2001 Kuala Lum-pur edition ng SEAG at si Corteza ay kapwa seeded sa quarterfinals at kailangan lamang manalo ng tatlong laban para sa kampeonato.

At kapag kinapitan pa ng suwerte sina Kiamco at Corteza, 8-ball singles champion sa KL Games, ito ang unang regalong ihahandog nila sa bansa.

Sasabak na rin sa aksiyon ang pambatong world champion cue artist na si Efren ‘Bata’ Reyes sa 3-cushion Carom singles habang ang tam-balang Marlon Manalo at James Ortega naman ay makikipagtumbukan sa snooker doubles.

Samantala, magde-debut naman ang Chess dito sa SEAG at makiki-pagsulungan ang Pinoy chessers sa men’s at women’s individual rapid events sa Van Don Indoor stadium.

Ngunit sa kasalukuyan, pinag-uusapan pa kung sino ang pipiliin kina Grand Masters Joey Antonio, Bong Villamayor at International Master Mark Paragua ang pupuno sa dalawang puwesto sa men’s event.

Gayundin sa kababaihan na pinagpipilian sina Sheerie Joy Lomibao, Beverly Mendoza at Christine Rose Mariano. (Ulat ni DMV)

BEVERLY MENDOZA

BONG VILLAMAYOR

CHRISTINE ROSE MARIANO

CORTEZA

GRAND MASTERS JOEY ANTONIO

INTERNATIONAL MASTER MARK PARAGUA

JAMES ORTEGA

KUALA LUM

LEE VAN CORTEZA

MARLON MANALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with