8 golds sisimulang trabahuhin ng judokas

HO CHI MINH -- Walong gintong medalya mula sa nakatayang 16 ang target ng Philippine judo team na lalahok sa 22nd Southeast Asian Games dito.

At kumpiyansa si judo president Capt. Reynaldo Jaylo sa kanilang kampanya na pamumunuan ni 5-time SEAG champion John Baylon.

Ang 38 anyos na si Baylon, na hinahasa ang kanyang pagka-eksperto sa judo sa Japan, ay limang beses na gold medalists ay hindi pa natitinag sa kanyang kategorya sapul nang una itong sumabak noong 1991 Manila SEA Games.

Bukod kay Baylon na inaasahan niyang muling mangingibabaw sa -81 kgs., malaki rin ang tiwala ni Jaylo kina Aris Lucero, silver medalist noong 2001 KL SEAG, Franco Teves, Gilbert Ramirez, Sidney Schwarzkopf , Daniel Pedro, Alqadir Ekong sa kala-lakihan, Helen Dawa,silver medalist Nancy Quillotes, Rezil Rosalejos, Karen Solomon, Elmarie Malasan, at Estie Liwanen sa kababaihan. (Ulat ni DMVillena)

Show comments