^

PSN Palaro

Primero sa Puerto Princesa

-
PUERTO Princesa, Palawan -- Ang pagiging matalik na magkaibigan ang naging puhunan ng mga Novo Ecijanong sina Albert Primero at Bernard Luzon para kunin ang 1-2 position sa overall sa pagtatapos ng Air21 Puerto Princesa City Cycling Challenge sa bayang ito.

Si Primero ang tinanghal na kampeon matapos ang dalawang araw na karera matapos magtala ng pitong oras, tatlong minuto at 28.22 segundo, limang segundo ang agwat sa pumangalawang si Luzon.

Kabilang sina Primero at Luzon sa ikatlong grupong tumawid sa finish line sa likod ng lap winner na si Benito Lopez matapos ang 120-kilometer circuit kahapon na nagsi-mula at nagtapos sa Mendoza Park dito.

Si Primero ang magsusubi ng P40,000 premyo para sa first place habang si Luzon ay nagkasya lamang sa P30,000 second prize bilang runner-up.

Ayon kina Primero at Luzon, gagamitin nila ang kanilang premyong napanalunan sa special race na ito na proyekto ni Bert Lina, chairman ng Air21 at president ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling katulong sina Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn sa paghahanda para sa Tour Pilipinas.

Tumapos naman bilang third place sa karerang ito na sinuportahan ng FedEx at Mail & More si Nilo Estayo na may premyo namang P25,000 sa kanyang oras na 7:08.49.79.

ALBERT PRIMERO

BENITO LOPEZ

BERNARD LUZON

BERT LINA

INTEGRATED CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

LUZON

MENDOZA PARK

NILO ESTAYO

NOVO ECIJANONG

SI PRIMERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with