Haharapin ni Reyes ang kababayang si Leonardo Andam sa race-to-eleven para sa isang puwesto sa finals kung saan nakataya ang pa-ngunahing premyong $20,000.
Tinalo naman ni Andam si Antonio Gabica, 9-7 na tumalo din sa isa sa paboritong si Alex Pagulayan, 9-7 sa naunang laro.
Nanaig muna si Deuel kay South Korean Park Shin Young 9-8 matapos buma-ngon mula sa 5-8 iskor ngunit laban kay Reyes ay panibagong istorya na.
Kilalang "The Prince of the Pool, ang dating US Open champion ay nakipaglaban sa tinaguriang The Magician 3-3 matapos ilaglag ang one-ball sa kamangha-manghang lucky shot, ngunit mula dito inagaw na ni Reyes ang eksena at naglaro ng mahusay na pool na nagpakilig sa kanyang mga kababayang nakasaksi ng kanyang mahuhusay na tumbok.
Nasa 4-3 deficit, nag-scratch si Deuel na nagbigay daan kay Reyes na kunin ang rack at ang break para sa runout at 6-2 iskor.
Sa kabilang dako, ang 2001 World Pool champion na si Mika Immonen ay nag-pakitang-gilas din nang hindi nito bigyan ng pagkakataon ang Japanese star na si Satoshi Kawabata tungo sa lopsided 9-2 pamamayani.
Makakaharap ni Immonen ang magwawagi sa pagitan ng laban nina Francisco Django Bustamante at South Korean Jeong Young Hwa na kasalukuyang nagla-laban pa habang sinusulat ang balitang ito. (Ulat ni DMVillena)