2 laban winalis ng La-Salle-Greenhills

CEBU CITY--Winalis ng La Salle Greenhills, University of San Carlos at Ateneo de Davao ang kani-kanilang dalawang asignatura noong Sabado upang bumandera sa Milo BEST SBP/Passerelle national basketball finals sa USC South Grade School gym dito.

Pinabagsak ng NCR champion La Sallians ang Ateneo de Davao, 63-58 at hiniya ang St. Scholastica Academy-Pangasinan, 64-38, habang ginapi naman ng USC ang St. Scholastica Academy, 62-56 at Ateneo de Davao, 58-41 sa SBP (Small Basketeers Philippines) competition.

Pinayukod ng Ateneans ang St. John Cathedral School-Pangasinan, 97-42 at University of Cebu, 65-49 sa Passerelle division.

Sa iba pang Passerelle matches, minolestiya ng Bedans ang St. John, 116-64 ngunit yumukod naman ito sa University of Cebu, 66-74.

Show comments