^

PSN Palaro

Arevalo, kampeon sa PCA Open

-
Ipinamalas ng Vietnam SEA Games-bound na si Czarina Mae Arevalo ang kanyang tikas kontra sa third seed na si Alyssa Labay nang kanya itong gapiin sa iskor na 6-1, 6-0 kahapon upang mapanatili ang kanyang ladies singles title sa P400,000 Philippine PCA Open Tennis Championships sa PCA indoor courts sa Plaza Dilao.

Hindi rin pinakawalan ni Arevalo, seeded fourth, ang korona sa doubles nang siya ay makipagtambal kay Ana Patricia Santos at iposte ang 6-1, 6-4 panalo kontra sa top seed na tambalan nina Rina Caniza at Jennifer Saret.

"I’m happy for winning the title," wika ng 18-anyos na si Arevalo, na kumita ng kabuuang P34,000 cash, kabilang ang kanyang P4,000 sosyo sa doubles.

Sinimulan ni Arevalo ang taong ito sa unahan ng Philta national rankings, ngunit bumagsak ito sa ikaapat matapos ang tatlong buwang pamamahinga mula sa kompetisyon.

"I stopped schooling for three months because I was competing in the ITF Juniors Circuit. When I got back, I was forced to skip tournaments for the next three months to make up for my studies," ani Arevalo, high school senior sa Angelicum School.

Ang natatanging major tournament na nilahukan ni Arevalo ay ang Hilado Cup sa Bacolod City noong nakaraang buwan nang kanyang igupo si Labay sa semis, 6-0, 7-5 subalit nabigo ito kay Santos sa finals, 2-6, 1-6.

"Talagang malakas ang bola ni Czarina, hindi ako makaporma," anaman ng 17-gulang na si Labay, na nag-runner up sa Philta Open, Coca-Cola at Escudero Cup ngayong taon.

ALYSSA LABAY

ANA PATRICIA SANTOS

ANGELICUM SCHOOL

AREVALO

BACOLOD CITY

CZARINA MAE AREVALO

ESCUDERO CUP

HILADO CUP

JENNIFER SARET

JUNIORS CIRCUIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with