^

PSN Palaro

SOBRANG BARAKO

Game Na ! - Bill Velasco -
Nararapat lamang na maging mabigat ang parusa kay Jimwell Torion ng Red Bull Barako. Kung sa baseball, strike three na’t wala nang nalalabing pagkakataon ang kanyang nabahirang karera. Di ba’t may kasabihan: "Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me."

Noong simula ng taon, napaaway si Torion kay Bal David. Pagkalipas lamang ng ilang linggo, umamin siyang gumamit ng shabu nang maglaro sila sa Cebu. Ang paliwanag niya: di niya naunawaan kung gaano kagrabe yung ginawa niya. Ngayon, humarap siyang humahagulgol kay PBA Commissioner Noli Eala upang humingi ng patawad. Bola daw ang hinahabol niya nang basagin niya ang mukha ni Jimmy Alapag. Pero balikan natin ang bunga ng kanyang ginawa.

Inabot ko sa Medical City si Alapag, nakaratay sa emergency room. Magkahalong kulay ng kamatis at talong ang maga niyang mukha. Tinapalan ng semento bilang suporta sa lumubog niyang ilong. Di makapagsalita sa sakit. Inoperahan ang rookie noong Huwebes upang tumangos muli.

Ito’y halos pareho ng ginawa ni Rudy Distrito sa rookie ng Alaska na si Jeff Cariaso noong 1995. Fastbreak, at malayo na si Cariaso. Hinabol ni Distrito’t sinahod yung bata.

Noong buhay pa ang MBA, may regulasyon sila na, kung tinangka mong tamaan ang isang kalaban lagpas ng balikat pataas, agad kang masususpindi, kahit di nakita ng referee. Baka dapat pag-aralan ito ng PBA.

Mahirap paniwalaan si Torion dahil magkakasunod ang mga pagkakamali, para na tayong ginagawang tanga. Kung nakita ng mga magulang ni Alapag ang ginawa ni Torion, baka demanda pa ang inabot niya. Kung di pa siya matututo, dapat lamang ay tanggalin na siya ng Red Bull, kung di man ng PBA.

ALAPAG

BAL DAVID

COMMISSIONER NOLI EALA

JEFF CARIASO

JIMMY ALAPAG

JIMWELL TORION

MEDICAL CITY

NOONG

RED BULL

TORION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with