^

PSN Palaro

Sta.Lucia vs Alaska sa Sudden Death

-
Paglalabanan ngayon ng Sta. Lucia at Alaska ang kahuli-huling semifinal slot sa natitirang sudden death match ng quarterfinal phase ng Samsung-PBA Rein-forced Conference sa Araneta Coliseum.

Ang mananalo sa labanang ito ang siyang makakasama ng Coca-Cola, Talk N Text at San Miguel sa semis round na magsisimula sa Linggo.

Hinihintay ng Beermen ang magtatagumpay sa labanang ito para kalabanin sa best-of-five series para sa Group A semifinals.

Ang Group B semis match ay sa pagitan naman ng Coca-Cola at Talk N Text na kapwa nanalo sa magkahiwalay na sudden-death matches kamakalawa laban sa Ginebra at Red Bull ayon sa pagkakasunod.

Nahatak ng Alaska ang deciding Game-Three na ito matapos ang 95-84 panalo noong Linggo para itabla ang best-of-three quarterfinal series sa 1-1 panalo-talo.

Nagsanib ng puwersa sina import Ike Fontaine at Brandon Lee Cablay para sa kanilang nakaraang laban sa pagkamada ng 28 at 20 puntos ayon sa pagkakasunod para makabawi sa kanilang pagkatalo sa Game-One.

Umaasa si Alaska coach Tim Cone na makakapaglaro na ngayon si Ali Peek na matagal nang nasa injured lists dahil sa kanyang naoperahang tuhod.

"I can’t say for sure. I can’t tell you if Ali’s going to play because I’m not 100% sure. I know he’s ready. I know he’s itching to play. But unless the doctors can be really sure, we can’t tell if he’s going to suit up," ani Cone.

Sa King of the Court One-on-One competition finals, maghaharap naman sina reigning MVP Willie Miller ng Red Bull at Joey Mente ng San Miguel para sa P150,000 premyo ng 6‚4 under division bago magsimula ang sudden death match ng Sta. Lucia at Alaska.

Samantala, ipinatawag ni PBA commissioner Noli Eala si Jimwell Torion ng Red Bull dahil sa hindi magandang inasal nito sa kanilang laban kontra sa Talk N Text kung saan humataw ito ng flagrant foul kay Jimmy Alapag. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

ALI PEEK

ANG GROUP B

ARANETA COLISEUM

BRANDON LEE CABLAY

COCA-COLA

GROUP A

IKE FONTAINE

RED BULL

SAN MIGUEL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with