^

PSN Palaro

Pacquiao,Delasin maging inspirasyon sana ng mga atleta sa Vietnam SEA Games

-
Ninombrahan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Eric Buhain kahapon ang mga atleta na gayahin nila ang malaking puso sa pakikipaglaban nina Manny Pacquiao, Dorothy Delasin at CJ Suarez sa pagsisimula ng kampanya ng bansa sa loob ng 16-araw na pagsabak sa 22nd Southeast Asian Games sa Vietnam.

Inihalimbawa ni Buhain ang performance ng nasabing tatlong atleta sa nakaraan nilang panalo na ayon sa kanya ay hindi lamang nagbigay inspirasyon sa mga Filipino athletes na lumahok para lamang sa tagumpay sa siyudad ng Hanoi at Ho Chi Mihn sa Dec. 5-13, kundi bigyan ang Filipinos ng dahilan upang sila ay maipagmalaki.

Umaasa si Buhain na ibubuhos ng Filipino athletes ang kanilang lakas sa pakikipaglaban sa Vietnam kung saan halos lahat sila ay nabigyan ng itinakdang mga training requirements na hiningi ng kani-kanilang mga National Sports Associations.

"Go, fight Philippines! That would become our attitude in Vietnam," ani Buhain. Sa kabila nito, hiniling rin ni Buhain na tigilan na ng kanyang mga kritiko ang mga pagbatikos sa kanyang administrasyon at sa halip ay tumulong imbes na gumawa ng intriga na nagiging dahilan upang mahati ang sporting community.

BUHAIN

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

DOROTHY DELASIN

HO CHI MIHN

INIHALIMBAWA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with