^

PSN Palaro

Muling nagningnign ang sports

SPORTS LANG.... - Dina Marie Villena -
Muling nagningning ang Pilipinas ng dalawang atleta ang umani ng tagumpay sa ibayong dagat.

Una, ang pagbati namin kay IBF superbantamweight champion Manny Pacquiao sa pagkapanalo niya kay Marco Antonio Barrera ng Mexico sa isang non-title fight na ginanap sa San Antonio, Texas.

Tunay na dapat ipagbunyi ang tagumpay na ito ni Pacquiao dahil hindi naman niya ito division.

Isa pa, kilalang mahusay na featherweight fighter itong si Barrera at ika nga ng marami talagang tigasin.

Yun nga lang tiklop siya kay Pacquiao.

At sa tagumpay na ito ni Pacquiao, muling nadagdagan ang kanyang maipagmamamalaking record.

Sana nga lang maalala pa rin ni Manny na lumingon sa kanyang pinanggalingan at tumanaw ng utang na loob sa mga nakatulong sa kanya.

Sana rin hindi na niya ulitin yung ginawa niyang pang-iisnab sa Philippine Sportswriters Association na kumilala ng kanyang husay.

Sana nga !
* * *
Ikalawa, isa pang dapat ipagbunyi ay ang pagkapanalo ni Dorothy Delasin sa LPGA tournament of champions sa Mobile, Alabama naman.

Ito naman ay sa larangan ng golf.

Ang dalawang atleta ay kapwa nagdala ng karangalan sa ating bansa para muling maging mainit na usapin sa buong mundo.

At least ito ay magandang usapin kaysa sa mga kasiraan ng ating gobyerno at mga pulitiko. Sey n’yo?
* * *
Sana rin makapag-uwi ng karangalan ang ating Pambansang delegasyon na lalahok sa 22nd Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi at Ho Chi Mihn, Vietnam.

At least bahagyang natatakpan ng tagumpay ang kawawang si Juan dela Cruz.

DOROTHY DELASIN

HO CHI MIHN

MARCO ANTONIO BARRERA

PACQUIAO

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

SAN ANTONIO

SANA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with