Lumaki ang gastusin ng PSC sa Vietnam SEA Games
November 12, 2003 | 12:00am
Kung noong una ay isang bangungot ito sa Philippine Olympic Com-mittee, ngayon naman ay naging financial worry naman ito para sa Philippine Sports Commission, dahil sinabi ng PSC na kailangan ng bansa ng mahigit P90 million para sa aktuwal na partisipasyon ng bansa sa Vietnam SEA Games.
Isang araw matapos humingi ng tulong sa Malacañang para mabawasan ang pinansiyal na obligasyon sa ibat ibang National Sports Associations na lalahok sa Disyembre 5-13 sa Hanoi at Ho Chi Mihn, sinabi ni PSC chairman Eric Buhain na "Vietnam is a new expe-rience for us because it would require so many areas of focus and we hope the combined manpower of the PSC and POC would suffice to meet the requirements of the Games."
Sa titirahan lamang ng mga atleta, ang 658-member Philippine contingent ay ilalalagay sa 28 hotels na nakakalat sa dalawang lungsod na may 500 kms ang pagitan sa isat isa.
Ayon pa kay Buhain, ang set-up sa Vietnam ay mahirap para paliitin ang gastos ng PSC, dagdag pa ang ilang bilang ng mga batang atle-tang kasama sa roster para sa exposures nila sa pag-asang makabuo ng mas malakas na team para sa 2005 Games na iho-host ng bansa.
"We will be spending more for logistics. Unlike in the previous SEA Games, our delegation stayed in one hotel. So, the Vietnam set-up presents extra cost, thats why we sought President Arroyos support for this endeavor."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended