PBA Season's draft paghahandaan ng coaches
November 11, 2003 | 12:00am
Habang maaga pa ay kailangan na ng mga coaches ng Philippine Bas-ketball Association na mag-prepara ng kani-kanilang listahan hindi lang para sa darating na Kapaskuhan kundi para sa susunod na seasons draft.
Mas malaki ang kanilang tsansa na matupad ang kani-kanilang kahilingan.
Sa dahilang malaking bilang ng incoming freshman na nagdomina sa kani-kanilang collegiate ranks ang inaasahang mapapabilang sa kanilang serbisyo sa 10 member ball clubs sa pagdaraos ng liga ng annual rookie draft sa Jan. 16.
Ilan lamang sa mga kilalang pangalan ang maaaring masungkit sa drafting ay sina Rich Alvarez at Wesley Gonzales ng Ateneo, Ranidel de Ocampo ng St. Francis, Paul Artadi ng University of the East ang mapapasama sa draft sa pagsapit ng huling araw ng pagsusumite ng applications ng mga players sa Dec. 27.
Ngunit di gaya ng nakalipas na taon, kung saan dinomina ng mga Fil-foreigns ang halos kalahati ng top draft, ang 2004 batch ay nakatakdang maging suka-tan ng mga players ang kani-kanilang performance sa UAAP, NCAA at iba pang collegiate leagues.
Tanging dalawang Fil-foreigners--sina Richard Peter Benitez at Joachim Gunter Thoss--ang nakasa-ma sa pool nang itakda ng board ang maagang deadline ng pagsusumite ng applications at supporting documents ng foreign-born players.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended