^

PSN Palaro

Reynante naghari sa Tour of Metro Manila

-
Nagbunga ang magandang teammanship na ipinamalas ng PagcorSports nang kanilang kunin ang 1-2 pagtatapos sa katauhan nina Lucien Lloyd Reynante at Rhyan Tanguilig.

Ginamit na sandigan ng dalawang siklista na maituturing na ‘Batman and Robin’ tandem ang pagiging bihasa sa ruta ng Sucat upang dominahin ng PagcorSports ang Tour of Metro Manila special race na nagsimula at nagwakas sa Marikina City Sports Park kahapon.

Si Reynante na araw-araw na namimisekleta sa Sucat patungo sa kanyang tirahan ang pagiging mautak sa kalsada upang maiwasan ang atensiyon ng grupo at mabilis na tinahak ang kanyang panalo nang itala ang 2:39:32.97 tiyempo para sa P25,000 premyo. Ganitong oras din ang kinana ni Tanguilig, ngunit si Reynante ang siyang nanalo matapos na makaungos sa rematehan ng gahiblang gulong sa karera na itinataguyod ng Air21 at suportado ng FedEx, Mail and More, BPI-MS, Caltex at Lipovitan.

Noong nakaraang summer’s Tour revival, ang dalawang siklista ay biniro hinggil sa pagiging Batman and Robin ng cycling spectacle, na naghiwalay lamang sa pagtatapos ng karera nang abandonahin ni Reynante si Tanguilig para bigyan ng pabor ang national teammates.

Tumersera si Merculio Ramos ng Samsung (2:40:48.09), habang si Warren Davadilla ng Intel ang siyang kumuha ng ikaapat na puwesto. Ikalimang siklista naman na dumating sa finish line si Ronald Gorantes (2:40:55.56).

Magkakasamang dumating naman sina Albert Primero ng PLDT, Arnel Quirimit ng Tanduay, Enrique Domingo ng Postmen, Paolo Manapul ng Intel at Dionisio Mendoza ng Eco Savers para kumpletuhin ang top 10.

ALBERT PRIMERO

ARNEL QUIRIMIT

BATMAN AND ROBIN

DIONISIO MENDOZA

ECO SAVERS

ENRIQUE DOMINGO

LUCIEN LLOYD REYNANTE

MAIL AND MORE

MARIKINA CITY SPORTS PARK

MERCULIO RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with