Ilocos Sur lusot sa Grachiya Falcons sa Panasonic NBL Regional Cup

Nagawang ligtasan ng Ilocos Sur Snipers ang matin-ding pressure sa huling maiinit na bahagi ng sagupaan upang pabagsakin ang Grachiya-Adamson, 76-71, sa pagpapatuloy ng 2003 Panasonic-NBL Regional Cup sa Adam-son Gym.

Humakot si Kenny Evans ng 35 points, kabilang ang five-of-eight mula sa three-point area at ang krusiyal na free-throws sa final 1.6 segundo ng labanan upang kunin ng Snipers ang pansamantalang pangunguna sa liderato matapos ang 2-0 kartada.

Sa katunayan, umabante ang Snipers ng maraming ulit sa 21 puntos, na ang huli ay sa 36-15 sa kalagitnaan ng second quarter bago nakontrol nila ang tempo sa 64-49 sa unang tatlong minuto ng final canto.

Show comments