^

PSN Palaro

Neuro test kay Barrera hiling ng Texas Boxing Commission

-
Hiniling ng Texas Boxing Commission na sumailalim si Mexican Marco Antonio Barrera sa isang "neurological testing" para ito ay makakuha ng lisensya para sa kanyang pakikipagtuos kay Manny Pacquiao ng Pilipinas sa Nobyembre 15.

Nakatakdang magsagupa sina Pacquiao at Barrera sa Alamodome sa San Antonio, ngunit bago bigyan ng go-signal si Barrera ay dapat ito umanong pumasa sa testing na gagawin sa isang hospital sa Houston.

Kasalukuyang nasa San Antonio, Texas, na si Barrera at inaasahang ito ay lilipad patungong Houston sa Lunes (Martes sa Maynila).

Biglaan ang order na ito ng Texas Boxing Commission at ang paniwala ng kampo ni Barrera ay pakana ito ng mga taong dating namahala sa kanyang career.

"Ang sama naman ng timing dahil kung kailan malapit na ang laban ay saka na lamang sumulpot ang balitang ito," wika ng isang boxing insider na malapit sa kampo ni Pacquiao.

Pati rin ang mga malalapit kay Barrera ay mayroong naaamoy na hindi maganda sa timing ng balita.

Dati rati ay si Ricardo Maldonado ang manager ni Barrera. Nito lamang Hunyo ng lumipat si Barrera sa promotional company na pag-aari ni Oscar De La Hoya. Ang Golden Boy Promotions ni Dela Hoya ay siyang magpo-promote ng labanan sa Alamodome.

Ayon sa pahayagang San Antonio Express-News, si Barrera ay sumailalim sa operasyon noong 1997 "to repair a small group of malformed blood vessels."

Ngunit naging matagumpay naman ang operasyon kung kaya’t siya ay pinayagang ipagpatuloy ang pagboboksing.

Subalit tiwala pa rin ang kampo ni Barrera na papasa ito sa gagawing exam ng Texas dahil sa nito lamang Oktubre 9 ay binigyan si Barrera ng "clean bill of health" ng University of California at Los Angeles matapos itong magpa-checkup sa tanyag na hospital sa California.

ALAMODOME

ANG GOLDEN BOY PROMOTIONS

BARRERA

DELA HOYA

LOS ANGELES

SAN ANTONIO

TEXAS BOXING COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with