Isang buwan na lang, magulo pa ang organizing committee sa mangyayari sa media.
Ayon sa mga kaibigan natin sa hanapbuhay, naging hiwa-hiwalay ang pagdarausan ng ilang event, at pati na rin tirahan ng mga atleta.
Sa halip na iisang athletes village, inilapit ang mga lahok sa mga venue.
Hati pa naman sa Hanoi at Ho Chi Minh ang mga laro.
Dahil dito, mapipilitan ang mga magkokober na mag-tulungan, o magdagdag ng reporter.
Tila mas madali ang una. Mahihirapan ang mga bibiya-heng peryodista dahil sanga-sanga rin ang mga media center, at di sila nakakasigurado sa computer system doon.
Hindi pa rin sigurado kung magagampanan ng NBN ang papel nito bilang may karapatang ipalabas ang mga laro sa telebisyon.
Alam nating lahat na pilay ang channel 4 dahil sa mga problema sa PBA coverage.
Ayon sa NBN, halos P50 milyones na ang utang sa kanila ng Summit Sports, na siya diumanong tumatayong financier ng PBA coverage.
Hindi rin daw napapansin ang iba pang pinagkakautangan nito.
Huwag tayong magtataka kung huli tayo sa balita sa SEA Games.