Tinalo ni Aguja si Youmma Makhlouf ng Bahrain para sa kanyang kauna-unahang panalo sa girls 18-under na nag-angat ng kanyang record sa 1.5 puntos.
Nalasap ni boys 16-and-under representative Julius Joseph de Ramos ang unang pagkabigo kay FIDE Master Luka Lenic (ELO 2352) para mapako sa 3.0 puntos.
Natalo din sina NM Oliver Barbosa (boys 18); Sherily Cua (girls 16); Cindy Atayde (girls 14), Cheyzer Mendoza (girls 12), Wesley So (boys10) sa kanilang laban.
Pisak si NM Barbosa kay FM Aaron Pixton (ELO 2445) ng USA, talo si Cua kay N.Vinuthna (ELO 2100) ng India, dapa si Atayde kay Paulina Carreras (ELO 1958) ng Mexico, talo si Mendoza kay Joanna Kasperek ng Poland at yuko din si So kay Nikos Galopoulos ng Poland.
Tumabla naman si Nelson Mariano III (boys 14) kay Nidjat Agayev (ELO 2203) ng Azerbaijan, gayundin din si Karl Victor Ochoa kay Mustafa Yilmaz (ELO 1964) ng Turkey, hati din ng puntos si Jan Jodilyn Fronda (girls 10) kay Nazi Paikidze ng Georgia.
" It's not our day," sabi ni NCFP secretary-general Atty. Samuel Estimo sa nangyaring resulta sa 10-youth chessers kahapon.