^

PSN Palaro

Magulo na naman ang basketball

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Nakakaloka, nagkakagulo na naman sila sa liderato ng sports. Sangkaterbang tsismis ang naglalabasan patungkol sa liderato ng PSC. Di mo tuloy malaman kung ano ang tutuo, kung ano ang tsismis, at kung sino ang paniniwalaan mo.

Tapos, halos lahat, gustong sunggaban ang mga puwesto na natsi-tsismis na mababakante.

Nakakaloka talaga!
* * *
Ganyan din sa basketball ngayon, Magulo.

Di mo naman alam kung sino ang mga tunay na leaders. Di mo malaman kung alin ang legal at alin ang hindi. Di malaman ng mga taga-basketball kung sino ang susundin at sino ang nagsasabi ng tutuo.

Kaya tingnan mo, sa nakaraang international meet na sinalihan natin, 15th place ang nakuha natin. Second to the last.

First time nangyari yan sa Phil. basketball considering na ang tumalo sa atin eh mga dating lowly teams na tinatambakan lang natin.

Hindi nakakuha ng espasyo sa mga diyaryo ang pagkata-long yan dahil sa tutuo lang, isang major debacle yan sa basketball history natin.

But who's to blame? Sino ba ang dapat na sisihin sa nangyayari sa Phil. basketball ? Sino ang dapat na mamahala kung kailangan man ng malaking pagbabago sa mga taong kumikilos sa mundo ng basketball.

Kanya-kanya rin sila ng turuan kung sino ang may kasalanan. Kanya kanyang turuan.

For the meantime na nagbabangayan at nagsisihan sila, patuloy na lumulubog ang Philippine basketball.

Sayang ang mga panahon ng mga players na tulad nina Caloy Loyzaga o Orly Bauzon nina Robert Jaworski o Freddie Webb at marami pang ibang basketball greats.

Naglaho na ang mga pangarap nating maging numero unong muli kahit na sa buong Asia lang.

Tinatambakan na tayo ng mga bansang dati eh tinatambakan lang natin.

Tinatambakan na tayo ng mga bansang dati eh bilib na bilib sa paglalaro ng mga Pinoy.

Kawawa ang Philippine basketball! To think na may mga basketball players tayong kung suwelduhan eh kalahating milyon sa isang buwan. Kawawa naman ang basketball sa Pilipinas.

Kawawa ang mga Pinoy na umaasang makikita pa nilang hari muli ang Pilipinas sa basketball. At sino ang may kasalanan? Kailangan pa bang i-memorize yan?
* * *
Nawawala ang cellphone ng photog na si Tony Lu. Nawala niya ito sa Cuneta Astrodome. Kaya yung mga kaibigan daw ni Tony Lu na tumatawag pa sa old number niya na 09205215463 eh wag na raw siyang tawagan doon. At yun namang nakapulot nung cellphone, kahit isoli lang daw yung SIM card, okay na yon. Puwede raw siyang ma-kontak sa landline 3639994.

BASKETBALL

CALOY LOYZAGA

CUNETA ASTRODOME

FREDDIE WEBB

KAWAWA

KUNG

SINO

TONY LU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with