Pinoy ang no.1 coach ng Indons
October 21, 2003 | 12:00am
Hindi man naging kilala ang pangalang Gerardo Bong Ramos sa local basketball aficionados, ngunit sa Indonesia kung saan siya ay nakabase, gumawa ito ng malaking pangalan.
Bunga ng kanyang pagtrangko sa Aspac-Texmaco sa ikaapat na sunod na korona sa Indonesias premier cage league, nagkaisa ang Indonesian Basketball League (dating Kobatama) na iluklok si Ramos bilang Coach of the Year.
Winalis ni Ramos at ang kanyang tropa sa finals ang Bhineka (85-67 at 86-72) na giniyahan naman ng Chinese coach na si David Chang.
Ngunit ang malaking balita, si Ramos ay itinalagang guro ng Indonesian basketball team para sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Vietnam ngayong Disyembre.
"Makakalaban ko pa ang Pilipinas! Trabaho lang ito talaga and this is God-given. I am just so blessed. Maybe God has a purpose for me in helping the Indonesians this time and I am in awe at what God has in store for me," wika ni Ramos.
"In a way, even though I now carry the Indonesian flag, sabit na rin doon sa mga balita na ang coach nila ay Pinoy! That makes me feel proud too and it is a source of enormous joy knowing my life is in Gods hands," dagdag pa ni Ramos, na bahagi ng coaching staff ng nagkampeon na Philippine Team na nagpanatili ng korona noong 2001 Kuala Lumpur SEAG.
Si Ramos na siyang responsable sa pagbibigay sa Aspac-Texmaco ng three-peat noong nakaraang taon ang assistant coach ni Allan Caidic sa Ginebra Gin Kings noong nakaraang taon nang dumating ang lukratibong alok na maging mentor ng pinaka-prestihiyosong ballclub sa Indonesia
Bago pa man ang IBL championships, giniya rin ni Ramos ang kanyang koponan na Sisters City Cup na idinaos sa Medan, Indonesia kung saan kanilang tinalo ang Satria Muda na ginabayan naman ng isa pa ring Pinoy na si Nat Canson.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am