"Para sa tatay ko ito" - Yambao
October 20, 2003 | 12:00am
May kanya kanyang layunin ang mga mananakbong lumahok sa Milo Marathon.
Ang ibay may gustong patunayan sa iba at sa sarili, ang iba ay para sa pera.
Kakaiba ang dahilan ng dilag na ito na siyang nanguna sa womens division ng 42-KM national finals na nagsimula at nagtapos sa Quirino Grandstand kahapon ng umaga.
"Para sa tatay ko ito," wika ng 22-gulang na si Liza Yambao na nagsumite na tumapos ng karera sa loob ng tatlong oras, anim na minuto at anim na segundo.
"Ako ang huling kausap ng tatay ko bago siya mamatay four months ago. Sabi niya, gusto niya manalo ako dito," salaysay ng maluhaluhang si Yambao na nagsubi ng P75,000 bilang champion ng womens category.
Ayaw ng tubong Sta. Rosa, Laguna na si Yambao, isang third year Commerse student sa UST, na mauwi lamang sa wala ang kanyang pinag-hirapang premyo dahil signipikante ang pana-long ito para sa kanya.
"Ibabangko ko muna yung perang napanalunan ko. Gusto ko kasing bumili ng lupa sa amin kaya nag-iipon ako," ani Yambao.
Sa unang 17 kilometro pa lamang ng karera, kumilos na si Yambao kaya natuhog nito si Estela Diaz na siyang runner-up sa tiyempong 3:10:58 na may prem-yong P50,000 habang ang third placer ay si Christy Sevilleno (3:11:22) na may P30,000.
Sinamantala naman ni Crisanto Canillo ang pagkawala ng mga perennial champions upang maghari sa mens division makaraang tawirin ang finish line sa oras na 2:31.07.
Pumangalawa si Noel Bautista (2:33:22 at ikatlo si Reynaldo delos Reyes (2:34.45.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am