^

PSN Palaro

Davao maagang kumilos

-
MATI, Davao Oriental -- Ipinadama agad ng defending overall champion Davao City ang kanilang superyoridad nang kanilang dominahin ang mga unang events sa 3rd Mindanao Games na pormal na nagbukas kahapon dito.

Bago pa man ang makulay na opening ceremonies na pinangunahan ni PSC Chairman Eric Buhain, humakot na ang Davao ng tatlo sa pitong gintong medalyang nakataya nang magsisimula ang aksiyon noong Biyernes.

Si Buhain na kumatawan din kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay sinamahan ng mga Senador na sina Loren Legarda at Robert Jaworski, mga PSC Commissioners na sina Leon Montemayor, William Ramirez, Ambrocio de Luna at Michael Barredo, Mati Mayor Paking Rabat at iba pang opisyales ng rehiyon.

Tampok sa seremonya na dinaluhan ng mahigit 4,000 atleta ang pagpaparangal sa mga dakilang sportsmen na sina Carlos Loyzaga, Mona Sulaiman, Jairulla Jaitulla, Lydia de Vega-Mercado, Ramoncito Campos, Chito Loyzaga at Arlo Chavez.

Kumopo ng ginto ang Davao sa individual at team event ng golf at cycling.

Namayagpag ang Davao golf team na binubuo nina Ranil Glimada, Jomil Ababa at Elmer Saban na pumalo ng kabuuang 441 puntos na may 15 stroke na agwat sa Bukidnon na nag-uwi ng silver.

Sina Glimada, Ababa at Saban ang siya ring kumopo ng ginto, pilak at tansong medalya sa individual category ayon sa pagkakasunod.

Ang ikatlong ginto ng Davao na siyang may pinakamalaking delegasyon sa palarong ito sa paglahok ng 400 atleta, ay galing kay Hilario Ladra na nagsumite ng oras na 4:13:29.26 para pagwagian ang 165-km Road race cycling.

Sinegundahan ito ni Julito Mangupot ng Misamis Oriental na nagrehistro ng 4:15:33.18.

Kasunod ng Davao City ay ang Bukidnon na may dalawang ginto bukod pa sa isang pilak at isang tansong medalya na kanilang nakolekta. (Ian Brion)

ARLO CHAVEZ

BUKIDNON

CARLOS LOYZAGA

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

CHITO LOYZAGA

DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO ORIENTAL

ELMER SABAN

HILARIO LADRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with