^

PSN Palaro

Dakilang Pinoy pararangalan sa Mindanao Games

-
Bibigyan ng pagkilala ng Philippine Sports Commission kasama ang Municipal Government ng Mati at ng Province of Davao Oriental ang ilang mahuhusay na Filipino athletes sa panimula bukas ng 3rd Mindanao Games sa Mati Centennial Sports Complex sa Mati, Davao Oriental.

Ipagkakaloob nina PSC Chairman Eric Buhain, Mati Mayor Francisco Rabat at Gov. Ma. Elena Palma Gil ng Davao Oriental ang plaque of appreciation sa walong mahuhusay na atleta sa inagurasyon ng malaking sports event sa rehiyon na inorganisa ng PSC.

Pagkakalooban naman ng recognition sina Carlos ‘The Big Difference’ Loyzaga at Ramoncito Campos, teammates ng basketball Hall of Famer na si Mayor Rabat sa RP squad na lumahok sa nakaraang 1954 World Championships sa Brazil at 1958 Tokyo Olympic Games at si Senator Robert ‘The Big J’ Jaworski bunga ng kani-kanilang achievement.

Ang iba pang parara-ngalan ay sina dating sprint queen Mona Sulaiman at swimmer Jairulla Ambali Jaitulla na kapwa mula sa Mindanao.

Kabilang sa mga hindi taga-Mindanao na atleta na pararangalan ay sina Asia’s sport queen at ngayon ay Bulacan councilor Lydia de Vega-Mercado, boxer Arlo Chavez at basketball Joaquin ‘Chito’ Loyzaga.

Aabot sa mahigit 41 local government units na lala-hukan ng 4,000 atleta at delegation members ang kakatawan sa anim na rehiyon sa Mindanao ang nagkumpirma na ng kani-lang paglahok sa nasabing event na suportado ng Pagcor, San Miguel Corp., PCSO, Baygon, Philcom, Burlington, Bachelor Ex-press, Air Philippines, WG&A Super Ferry, Systems Tech-nology Information at Samsung ang magtitipon mula sa Oct.19-24.

A SUPER FERRY

AIR PHILIPPINES

ARLO CHAVEZ

BACHELOR EX

BIG DIFFERENCE

BIG J

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

DAVAO ORIENTAL

ELENA PALMA GIL

MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with