RFM balik-PBL; Sunkist-UST ang bitbit
October 18, 2003 | 12:00am
Bilang pagpapatuloy ng kanilang walang patid na pagtulong sa larangan ng basketball, muling magbabalik ang RFM Corporation sa Philippine Basketball League sa nalalapit nitong Platinum Cup na magbubukas sa Nobyembre 8.
Tatawagin bilang Sunkist-UST Tigers, ang koponang ito ay bubuuhin ng 11 manlalaro mula sa University of Sto. Tomas, na palalakasin ng 2 miyembro ng RP National Team training pool na sina Rey Mendoza at Bernzon Franco. Ang tropa ay hahawakan ni Coach Aric del Rosario.
"PBLs new approach of tapping school based teams opens the door for us to join as a guest team," wika ni RFM president and CEO Joey Concepcion, na siyang pinakamatagal sa liga.
"Alam nyo naman, kahit wala kami sa PBA eh we always look into opportunity of helping basketball," sabi naman ni RFM executive Elmer Yanga kahapon sa kanyang pagbisita sa linggu-hang SCOOP sa Kamayan West sa Quezon City.
Ayon pa kay Yanga, ang tie-up ng RFM at UST ay napagkasunduan noong Huwebes matapos ang pakikipagpulong nila sa mga opisyal ng naturang uniber-sidad sa pamumuno nina Father Ermito de Sagun, Teddy Perena at coach del Rosario.
Bukod kina Mendoza at Franco ang koponang ito ay pangungunahan din ni Alwyn Espiritu, Gino Manansala, Derrick Hubalde, Rene de Guzman, at Christian Luanzon.
Sa paglahok nilang ito, ang Sunkist-UST Tigers ang magiging ika-5 college team na makikipaglaban sa komperensyang ito ng PBL kung saan makakasama nila ang Ateneo-Fash Liquid Detergent, ICTSI- La Salle, UP-Blu Star Powder, at FEU-Viva Mineral Water.
"The stint of FEU in the PBL is one of the reason that contributed to their victory in the UAAP and this is a clear proof that the PBL is living to its role as a development league in the country," dag-dag pa ni Yanga, na nagsabi ring ang kanilang pagsali ay aprubado na ni PBL com-missioner Chino Trinidad.
Samantala, isa ang Wel-coat Paints sa mga itinuturing na paborito sa 8 koponang sasalang sa Platinum Cup matapos nitong idagdag sa kanilang line-up sina James Yap, Jay-ar Reyes at Nelbert Omolon gayundin ang nagbabalik na si Paul Artadi. (Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended