^

PSN Palaro

Falcons sinibat ng Knights

-
Ibinuslo ni Ronjay Enrile ang kanyang three-pointer may 3 segundo ang nalalabi upang kumpletuhin ng Letran College ang kanilang pagbangon mula sa malalim na pagkakabaon at maitala ang 74-73 panalo laban sa Adamson University kahapon sa pagbubukas ng 2nd UAAP-NCAA Benefit Games Showdown for Bantay Bata 163 sa Blue Eagle Gym.

Dahil sa tagumpay na ito, ang NCAA champion na Knights ay umakyat sa semifinals habang ang Falcons, na pumalit lamang sa Ateneo Blue Eagles, ay tuluyan nang napatalsik sa torneong ito, na inorganisa ng ABS-CBN Foundation para sa proyekto nitong Bantay Bata 163.

Ang Falcons ay nagmistulang patungo sa pagposte ng malaking pagsilat nang kontrolin nito ang unang yugto ng laro. Sa katunayan, ang tropa ni coach Luigi Trillo ay lumamang ng hang-gang 15 puntos at pumasok sa huling 8 minuto na tangan ang 61-48 bentahe.

Subalit sa pangunguna ng NCAA Final MVP na si Enrile, isang 17-3 run ang pinakawalan ng Knights upang matikman ang trangko sa unang pagkakataon, 65-54. may 3:05 ang natitira.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ANG FALCONS

ATENEO BLUE EAGLES

BANTAY BATA

BENEFIT GAMES SHOWDOWN

BLUE EAGLE GYM

DAHIL

LETRAN COLLEGE

LUIGI TRILLO

RONJAY ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with