^

PSN Palaro

Machong cager under de saya

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ngayon ang umpisa ng Bantay Bata benefit tournament kung saan ang Final Four entries ng UAAP at NCAA seniors ang kasali. Ngayon ang umpisa ng knockout games nila kaya naman exciting din ito kaya lang, huwag kayong umasa na ang mga favorites ang siyang lalabas na champions sa paligang ito last year, UE Warriors ang nag-champion sa ligang ito. Malalaman natin kung sino naman ngayong taon na ito. Lamang kaya ang FEU at Letran? malalaman natin.

Live itong mapapanood sa Studio 23.
* * *
Ang player na kung tawagin nila noon ay ander de saya kahit na napaka-macho niyang tingnan eh hindi na ander de saya ngayon, humiwalay na siya sa misis niyang dominante at nakatagpo siya ng isang napakabait na babae na lagi siyang iniintindi, lalong-lalo na patungkol sa kanyang career.

Imposible na silang magkabalikan ng dati niyang misis.
* * *
Malapit na ring ma-tsugi sa puwesto ang head coach na ito.

Pinag-uusapan na ng management kung sino ang ipapalit nila kay coach.

Hindi pa alam ni coach na malapit na siyang palitan at baka hanggang ngayong taon na lang siya sa team.
* * *
Pagkatapos nina Rysal Castro at Anton Villoria na nai-trade na ng Red Bull sa San Miguel, may at least four PBA players pa na nakatakdang mai-trade very soon. Hindi pa alam nung mga players na maaalis na sila sa team nila at magpapalit na rin sila ng jersey.

Bubulaga na lang sa kanila ang balita.

vuukle comment

ANTON VILLORIA

BANTAY BATA

BUBULAGA

CENTER

FINAL FOUR

NGAYON

RED BULL

RYSAL CASTRO

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with