JAMES YAP NASA WELCOAT NA
October 10, 2003 | 12:00am
Maglalaro si James Yap para sa Welcoat sa darating na PBL conference.
Si James Yap ang siyang MVP nitong nakaraang UAAP.
Ini-release na siya ng ICTSI mula sa line-up na ito kaya naman sinunggaban agad siya ng Welcoat Paints.
Nasa Welcoat na rin si Omolon at si Jay R Reyes ng UP.
Nasa reserved list na rin nila si Christian Guevarra ng MIT.
Talagang determinado ang Welcoat na mag-champion ngayong darating na conference.
Ang pagkakakuha ng Welcoat kay James Yap ay isang malaking bagay para sa kanila.
Napakagaling na player nitong si James at napakabait pang bata.
Hindi yan magiging problema ni Coach Leo Austria.
Ang pagkakahirang kay James Yap bilang MVP sa UAAP ay isang pagpapatunay lamang na malayo pa ang mararating ng batang ito.
Tiyak na pagkakaguluhan yan kapag nagpa-draft na siya sa PBA.
Magiging maganda rin ang kumbinasyon niya with Paul Artadi na nasa Welcoat pa rin.
Siyanga pala, next year, magpapa-draft na itong si Artadi sa PBA.
Nagkaroon ng malaking selebrasyon sa FEU campus nung isang araw.
May bonfire , may pakain, may catering, at kung anu-ano pang kasiyahan at ang nag-enjoy siyempre pa ay ang mga estudiyante.
May bonus trip din ang mga players ng FEU pero sa ngayon ay kinukumpirma pa nila ang mga detalye.
Tuwang-tuwa ang mga players ng FEU dahil sa talagang nakita nila kung gaano kasaya ang mga estudiyante ng FEU na mula nung una pa lang ay naka-suporta na sa kanila.
Pinangunahan ni Koy Banal ang selebrasyon.
Masuerte si Koy dahil bukod sa napag-champion niya ang FEU, naging Coach of the Year awardee pa siya.
Bibilib ka rin naman dito kay Koy. Dati lang siyang assistant coach ni Joel sa Mapua Cardinals noon sa NCAA.
Pero ngayon, tinalo pa niya ang kanyang kuya sa UAAP championships.
Mukhang magiging interesting ang PBA drafting next year kapag natuloy ang mga magagaling na college players na magpa-draft.
James Yap, Wesley Gonzales, Richie Alvarez, Paul Artadi, Willy Wilson. At marami pang iba.
Sana ngay mags-akyat na sa PBA ang mga college standouts na yan.
Malay natin, baka sila pa ang magbigay-buhay muli sa PBA.
Si James Yap ang siyang MVP nitong nakaraang UAAP.
Ini-release na siya ng ICTSI mula sa line-up na ito kaya naman sinunggaban agad siya ng Welcoat Paints.
Nasa Welcoat na rin si Omolon at si Jay R Reyes ng UP.
Nasa reserved list na rin nila si Christian Guevarra ng MIT.
Talagang determinado ang Welcoat na mag-champion ngayong darating na conference.
Napakagaling na player nitong si James at napakabait pang bata.
Hindi yan magiging problema ni Coach Leo Austria.
Ang pagkakahirang kay James Yap bilang MVP sa UAAP ay isang pagpapatunay lamang na malayo pa ang mararating ng batang ito.
Tiyak na pagkakaguluhan yan kapag nagpa-draft na siya sa PBA.
Magiging maganda rin ang kumbinasyon niya with Paul Artadi na nasa Welcoat pa rin.
Siyanga pala, next year, magpapa-draft na itong si Artadi sa PBA.
May bonfire , may pakain, may catering, at kung anu-ano pang kasiyahan at ang nag-enjoy siyempre pa ay ang mga estudiyante.
May bonus trip din ang mga players ng FEU pero sa ngayon ay kinukumpirma pa nila ang mga detalye.
Tuwang-tuwa ang mga players ng FEU dahil sa talagang nakita nila kung gaano kasaya ang mga estudiyante ng FEU na mula nung una pa lang ay naka-suporta na sa kanila.
Pinangunahan ni Koy Banal ang selebrasyon.
Masuerte si Koy dahil bukod sa napag-champion niya ang FEU, naging Coach of the Year awardee pa siya.
Bibilib ka rin naman dito kay Koy. Dati lang siyang assistant coach ni Joel sa Mapua Cardinals noon sa NCAA.
Pero ngayon, tinalo pa niya ang kanyang kuya sa UAAP championships.
James Yap, Wesley Gonzales, Richie Alvarez, Paul Artadi, Willy Wilson. At marami pang iba.
Sana ngay mags-akyat na sa PBA ang mga college standouts na yan.
Malay natin, baka sila pa ang magbigay-buhay muli sa PBA.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
















