^

PSN Palaro

Athletics inaasahan sa Vietnam SEA Games

-
Inaasahang pangungunahan ng athletics ang paghakot ng medalya ng RP delegation sa nalalapit na 22nd Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa Disyembre 5-13.

Umaasa si Philippine Amateur Track and Field Association coach Go Teng Kok na mapapantayan o mahihigitan pa ng kanyang mga atleta ang kanilang produksiyon sa nakaraang SEA Games sa Malaysia noong 2001.

Siyam hanggang 14 gold medals ang inaasahan ni Go na makukuha ng RP athletes.

"We based this prediction from our last performance in Kuala Lumpur, Malaysia where we got 9-gold medals," wika ni Go na kumpiyansang makakakuha ng gold sa women’s long jump at javeline thow at men’s 400m, 800m, hammer throw, 3,000m, 5,000m at 10,000m steeplechase, men’s javelin throw, marathon, decathlon at 4x400m.

Nagsumite na ang PATAFA ng kanilang line-up para sa Vietnam Games na binubuo ng 35 atleta na pangungunahan nina Sydney Olympian Eduardo Buenavista at Lerma Bulauitan-Gabito kasama sina John Lozada, Roy Vence, Rene Herrera, Joebert Delicano, Arniel Feriera, Geralyn Amandoron, Maristella Torres at ang magkapatid na Dandy at Fidel Gallenero.

"Puwede tayong mag-bawas ng athletes pero hindi na tayo puwedeng magdagdag," ani Go. "We will come up with our official line-up on or before November 5."

Matapos maghatid ng bronze medal sina Buenavista at Bulauitan-Gabito mula sa 5,000m run at long jump event ayon sa pagkakasunod sa nakaraang Asian Athletics Championships na idinaos dito sa bansa, sinabi ni Go na sigurado na ang mga ito sa gold medal sa Vietnam Games. (Ulat ni CVOchoa)

ARNIEL FERIERA

ASIAN ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

FIDEL GALLENERO

GERALYN AMANDORON

GO TENG KOK

JOEBERT DELICANO

JOHN LOZADA

KUALA LUMPUR

LERMA BULAUITAN-GABITO

MARISTELLA TORRES

VIETNAM GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with