UTANG NA LOOB
October 5, 2003 | 12:00am
Lipa City, Batangas -- Isa sa mga pinakita ni Detlef Schrempf, dating NBA All-Star, ay ang husay niyang magpakita ng utang na loob sa larong bumuhay at nagpayaman sa kanya, at nagbigay ng magandang buhay sa kanyang pamilya.
"Basketball has done so much for me," pag-amin ni Schrempf. "To do what you love, work out - then suddenly get paid for it, its great. Its allowed me to travel all over, do so many things."
Naririto si Schrempf para turuan ang mga kabataan ng basketbol sa Sentrum ng La Salle Lipa, dating pinaglalaruan ng Batangas Blades ng MBA. Mahigit tatlong daang batang lalaki at babae ang sumali dito para makasalamuha din ang dating NBA Sixth Man of the Year.
"Children are our future, everybodys future," sagot ni Schrempf nang tanungin tungkol sa kanyang foundation, na sampung taon nang tumutulong sa mga kabataan sa America. "This is our way of making life less complicated for them. Everybodys made their life complicated: the media, corporations, everybody. At least, through basketball, they can enjoy something that makes life a bit simpler."
Kasama ni Schrempf ang anim na beteranong coach at intern para sa programang Adidas "Understand the Game" na nanggaling na sa Olongapo at Fort Bonifacio.
Nakita niya na maraming mahuhusay na manlalaro dito sa atin, subalit nakakaligtaan ang mga maliliit na bagay sa laro ng basketbol.
"There are a lot of athletic players," dagdag niya. "But not too many big men, so internationally, its going to be hard to compete. But theyre also forgetting a lot of the little things which, if you do them consistently, you can make a big impact on the game overall."
Nagretiro si Schrempf noong 2001, nang malinaw sa kanyang hindi na siya magpapatuloy sa paglalaro sa Portland Trailblazers. Ayaw din niyang ilipat ang pamilya niya mula sa Seattle, at napagod na rin siya matapos ang labing-anim na taon ng pakikipagbunuan sa pinakamahuhusay na manlalaro sa buong mundo.
"Jordan, Bird, Magic, you name em," ngiti niya, "I guarded them all. The entire Dream Team, I played against all of them. Ive been very fortunate."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am