Pinayuko nina pinweight Juanito Magliquian (45 kgs.) at lightfly godfrey Castro (48 kgs.) ang kanilang kalabang Vietnamese at makasama sina flyweight Glen Gonzales (51 kgs.) at bantamweight Joan Tipon (54 kgs.) sa semis ng five-nation tournament. Ang finals ay nakatakda sa Linggo pagkatapos ng isang araw na rest day.
Si Magliquian, 30 anyos na Navyman na umukit ng gintong medalya noong 1999 Brunei SEA Games, ay dinomina ang laban kontra sa 18 anyos na si Nguyen Duy Duc ng Ho Chi Minh squad na napabag-sak niya may 33 segundo pa ang nalalabi sa opening round. Hindi na binilangan ng referee ang bumagsak nang ilista ng Pinoy ang pinakamabilis na panalo sa torneo.
Kumunekta ng malakas na jabs at left hooks si ang right-handed na si Magliquian sa opening minute. Isa pang left hook ang lumanding sa mukha ng mas mataas ngunit payat na kalaban.
Matapos bumagsak ang Vietnamese, agad na sumugod ang doktor upang tingnan ang kababayan. Gayunpaman hindi naman nagkaroon ng seryosong injury ito. Ngunit sa ilalim ng amateur rules, ang isang boxer na tumanggap ng sobrang bugbog ay kaila-ngang magpahinga ng hanggang isang buwan. Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga amateur boxers.
"It was a very powerful punch that even fighter on the heavier divisions would suffer the same fate," ani Pinoy head coach Vicente Arsenal na nasiyahan sa tagumpay kasama sina assistant Elmer Pamisa, team manager Ruben Roque at referee/judge Dante de Castro.
Sa kabilang dako naman, ang 18 anyos na si Castro, isang Armyman mula sa Cadiz, ang sumunod sa yapak ni Magliquian nang umiskor ito ng 19-10 panalo kontra sa isa pang Vietnamese na si Nguyen The Hai.
Mula sa blue corner sinalubong na ni Castro ang kalaban, at nagpakawala ng malakas na straight na tumama sa ilong para sa standing eight count may 48 tikada pa ang nalalabi sa second round.
Ang paglahok na ito ng mga Pinoy boxers ay ang pagpipilian ng bubuo sa national team na sasabak sa aksiyon sa Vietnam SEA Games sa Disyembre at Asian Olympic qualifying tournament sa Palawan sa Enero.